1. Noong unang panahon, dumalaw ang isang diyosa Sa bagong kapapanganak na ina Na ang bagong silang na sanggol ay biniyayaan Ng mga bertud na may kapangyarihan (Once upon a time, a goddess visited A mother who has just yielded A newborn infant who was blessed With amulets wherein powers are wielded)
2. Ang ina ay nagsumamo sa diyosa Na biyayaan ng mahabang buhay ang anak niya (The mother to the goddess implored For a long life to the child she labored)
3. Hindi sumagot ang diyosa Pero ikinwintas niya ang agimat sa bata (The goddess did not answer But a necklace to the child she did wear)
4. Sa kwintas nakasabit ay tatlong bato May taglay na kapangyarihan ang mga ito (The stones are the necklace’s pendants A power in them enchants)
5. Ang isa ay nagbibigay-lakas, sa pangalawa ay bilis naman At sa pangatlo’y proteksiyon sa kapahamakan (The one grants strength, speed is by the second charm By the third protection from harm)
6. Ang nasabing sanggol si Biuag ang ngalan Siya ay tubong Enrile, Cagayan (The said baby is Biuag by name Enrile, Cagayan is from where he came)
7. Kaya niyang bunutin ang isang puno Na kaydali para lang siyang nagdadamo (He can uproot a tree Just like weeding so easily)
8. Kaya rin niyang lumangoy nang matulin Maging mga buwaya’y ‘di siya kayang habulin (He can swim so fast Even crocodiles through him can’t get pass)
9. Nahulog narin siya sa lugar na mataas Subalit walang natamong anumang gasgas (He even fell from a high place But didn’t obtain any bruises)
10. Dahil sa mga kapangyarihang ipinamalas niya Mga tao’y dinayo siya at sinamba (Because of powers by his showmanship To him people came and worship)
11. Sa kabila ng lahat, malungkot si Biuag Dahil ‘di niya makuha ang napupusuang dilag (Despite of all, Biuag is desolate Because the dear maiden he can’t get)
12. Ang nasabing babae sa Tuao ay katutubo Hindi tanyag ang nilalang na ito (That lady in Tuao is indigenous This creature is not famous)
13. Noon din ay may binatang katulad ni Biuag Malakas, makapangyarihan, hindi duwag (At the same time like Biuag was a man popular Strong, powerful, not coward)
14. Malana ang tawag sa kanya Taga-Malaueg, Rizal ang magiting na binata (Malana is he being called From Malaueg, Rizal is this bachelor bold)
15. Noong labing-walong taong gulang siya Nilangoy niya ang ilog na maraming buwaya (Eighteen years old when he was Swam he the river with lots of crocodiles)
16. Ito ay upang kumuha ng pagkain Mula sa malayong lupain (This is in order to get fodder From a land that’s farther)
17. Para sa mga nasalantang tao Ng nagdaang bagyo (For the people devastated By a typhoon that thrusted)
18. Nang makauwi si Malana May nakita siyang isang pana (When Malana returned home Saw he a bow and arrow)
19. At nang kanya itong ipukol sa hangin Sa kanya ang bala’y bumalik din (And when on air it was thrown To him the arrow returned)
20. ‘Di naglaon kanyang nabatid Na ang sandata’y may kapangyarihang hatid (Soon it came to his awareness That the weapon a power possesses)
21. Siya rin ang iniirog ng dilag Na kinahuhumalingan ni Biuag (It is him also liked by the maiden To who Biuag has fallen)
22. At nang matuklasan ni Biuag na si Malana ang napupusuan Hinamon niya ang karibal sa isang labanan (And when Biuag learned that Malana is the beloved To a fight his rival he challenged)
23. Nagimbal ang buong bayan Sa katakut-takot na labanan (The whole nation felt horrible Upon the terrifying battle)
24. Higanteng buwaya ginamit ni Biuag Babaeng gusto pinagsabihan siyang duwag (Giant crocodile Biuag utilized Coward is he said the lady he liked)
25. Dahil doon, si Biuag ay napahiya Sa huli, kanyang nilunod ang sarili niya. (Because of that, Biuag was embarrassed Drowned he himself at the very last).