1. Noong unang panahon, sa nayon ng Nalbuan Nakatira ang mag-asawang sina Don Juan at Namongan At nang bago manganak ang babae Nagtungo sa mga kaaway ang lalaki (Once upon a time, in the shire of Nalbuan There lived a couple named Don Juan and Namongan And before the maternal labor of the female To the enemies went the male)
2. Si Don Juan ay natalo ng mga Igorot Walang atubiling ulo niya ay pinugot (By the Igorots Don Juan was defeated Without hesitation they cut off his head)
3. ‘Di nagtagal, si Namongan ay nanganak Kakaiba ang kanyang lalaking anak (Soon, Namongan gave birth to a child Her son was so odd)
4. Malaki ang pangangatawan niya kaysa ibang bata Para siyang isang ganap na binata (To any child his body is bigger He is like a mature teenager)
5. Siya ay nakakapagsalita narin At sinabi sa lahat na Lam-ang siya kung tawagin (He could speak even And said to all Lam-ang is his name given)
6. Siya rin ang pumili ng kanyang mga ninong Kung nasaan ang ama kanyang tinanong (His godparents he elected His father’s whereabouts he interrogated)
7. Nang siya ay nasa gulang na siyam na buwan Ganap na lalaki na kung siya’y masdan (When he became nine months old A grown-up man is he to behold)
8. Nang hindi pa bumabalik ang ama nito Siya’y nagpasya na sundan ito (When his father yet returned has not He then decided to follow that)
9. Naglakbay siya nang dali-dali At naabutan ang mga Igorot na nagpupunyagi (He travelled fastly And saw the Igorots having revelry)
10. Sila ay nagsasayawan Palibot sa pugot na ulo ni Don Juan (They were dancing Don Juan’s severed head they’re surrounding)
11. Galit nag alit si Lam-ang Lahat na kaaway kanyang pinaslang (Lam-ang was so very mad He killed all enemies he had)
12. Maliban sa isa na kanya munang pinahirapan Bago ito tuluyang pakawalan na sugatan (Except for one whom he tortured Before releasing that injured)
13. Sa kanyang pagbabalik sa Nalbuan Siya muna’y naligo sa Ilog Amburayan (Upon his return to Nalbuan He first took a bath at River Amburayan)
14. Dahil sa kapal ng libag at sama ng amoy niya Doon ay nagkandamatay ang mga isda (Because of his thick dirt and foul odor All fished died in that river)
15. ‘Di naglaon, siya’y may babaeng napusuan Ito’y anak ng pinakamayaman sa Kalanutian (Later, he fell in love with a woman He is the daughter of the richest man in Kalanutian)
16. Ines Kannoyan ang ngalan ng dilag Kayrami ang lalaking sa kanya’y nangaglaglag (Ines Kannoyan is the name of the maiden To her so many men have fallen)
17. Isa na rito si Sumarang Kanyang hinamon si Lam-ang (One of them was Sumarang He dared to challenge Lam-ang)
18. Silang dalawa ay naglaban Nanalo ang binata ng Nalbuan (The two of them fought on The bachelor of Nalbuan won)
19. Nadatnan ni Lam-ang kaydaming manliligaw Kaya gumawa siya ng paraan upang pumangibabaw (Lam-ang saw so many suitors So he made a way to surpass them all)
20. Pinatilaok niya ang manok at isang bahay ang nagiba Pinatahol niya ang aso at ang bahay ay naayos na (He made his rooster crow and a house was destroyed Then he made his dog growl and that house was restored)
21. Kayrami ding ginto ang tangan ng binata Kaya kapagkuwan ay ikinasal ang dalawa (So much gold the man had carried So soon the two were married)
22. Dumating ang panahon na si Lam-ang ay inatasang Manghuli ng isda na kung tawagin ay rarang (Time came that Lam-ang was summoned To catch a fish rarang that’s called)
23. Subalit habang siya’y nasa kailalaiman ng karagatan Si Lam-ang ay kinain ng pating na berkakan (Yet while he was down deep the ocean Lam-ang was eaten by a shark berkakan)
24. Si Marcos na maninisid sila’y tinulungan Pagkuha sa bangkay ni Lam-ang kanyang kinayanan (A diver named Marcos came to their aid The corpse of Lam-ang he recovered)
25. At sa kapangyarihan ng aso at tandang niya Muling nabuhay ang magiting na bida! (And by the power of his dog and rooster Again came to life our brave main character!)