Mahal ko'y ubod ng ganda Dikit na nakakagiliw sinuman makakita At nang minsan lumapit at nagpakilala Sinunggaban ako't niyakap niya
Kulang lang kami'y maghalikan Sa aming mahabang pagtitinginan Dubdob na kay laki ng silakbo ng pag-iibig
Ngunit nang makadaan Sa isang maliit na pamilihan Nakita ko na may ibang kalampungan Nanibugho ako nang umuulan
Sa pag uwi ng bahay Dahan dahan na humimlay Sa higaang yari sa kawayan At tirahan na parang sa ihip ng hangin ay matatangay
May saysay pa ba ang pagluha? Kahit wala man, patunay pa rin na ako'y umiibig na Totoo man ang nararamdaman Ano ang aking maipagmamayabang
Talagang daig nga ng mayaman ang mahirap Sa isip, salita at sa gawa O sadyang may katumbas na ang bawat bagay Para ang pagmamahal din ay mabili't maagaw
Iisipin ko na lang naΒ Β ito'y para rin sa kapakanan niya Di na lilingon o magkikita Sana'y balang araw malaman niya Na ako'y di hamak na isang tao Kapag umiibig na