Tanging mga siyap ng ibon aking naririnig Nadidinig lamang ay pusong pumipintig Magdamag ika'y tumatakbo sa isip, Habang nilalasap ang tahimik na paligid
Malakas na humampas simoy ng hangin Tila ipinapabatid na di ka para sakin Mula pa man, wala kang pagtingin Isang tulad ko'y di kayang ibigin
Gustuhin mang ipagsigawan, Hindi ko na maipaglalaban Sapagkat takot ang naninimbang Nagmahal lang naman, ngunit bakit tayo nahusgahan?