Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sep 2019
Tila walang saysay ang pinupuna ng nasa harapan
Mula dito sa likod halos wala nang mapakinggan
Dahil sa dumadagundong na makinaryang sobrang ingay
At ang musikang tumutugtog na napakatamlay

Ngunit sa kabila ng lahat isang tunog ang narinig ko
Ang biglaang pagtibok nitong munti kong puso
Kahit wala na talaga akong tuluyang marinig
Alam ng aking tenga na ang puso ko'y ikaw ang iniibig
Newbie here☺️☺️
Written by
Samtoy  18/M/Abra, Philippines
(18/M/Abra, Philippines)   
132
 
Please log in to view and add comments on poems