Kapag nayapos mo na't Init ang nararamdaman Pagmamahal iyan na lubos At mapagbunyi -hiyas kang hinalibas sa karukhaan ng aking mundo
Kahit naduhagi sa kapalaran Anong pagdiriwang kapag ika' y nasisilayan Kung maibabalik man ang ikalawang takipsilim Hindi na hahayaan na mawalay ka pa sa akin
Sa balintataw ng buwan Hubad na pagsuyong walang Poot at panibughong kinikimkim Kung may luha sa mata ko Yun ay ang pagpawi sa pagkauhaw ng pag-ibig
Kung namiminto na ang wakas ng panulaan Maipaliwanag sana nang pagkalinaw Na hangad kong sambitin na iniibig kang walang kahulilip
O dessa ikaw ang nasa Winasak mo ang mundo ko't gumawa ng bago Kung saan ang araw katabi ng buwan At ang bawat paglubog ng araw ay may tanglaw sa kaitaasan