Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sep 2019
22 Ang unang pagsubok ay paligsahan
Na susubok sa lakas at katatagan

23 Inihanda na ng mga binata
Ang mga katawan nila

24 Nagbalu-baluktot, nagbanat-banat
Nag-imbay-imbay, nag-inat-inat

25 Kapagdaka’y ipinagitna sa kanila
Ang isang kahoy na lamesa

26 Inilapag nila rito
Ang kanilang mga braso

27 Para sa pagbubunuan
Ng mga kalamnan

28 Sa huli’y si Agus ang kinilala
Bilang pinakamalakas na binata.

-06/23/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 144
Jose Radin Llorca Garduque
Written by
Jose Radin Llorca Garduque  32/Other/Philippines
(32/Other/Philippines)   
384
 
Please log in to view and add comments on poems