Ikaw, sa bawat pintig ng puso, Na gumuguhit sa mga labi At nabubuhay sa banaag ng mga ginintuang araw natin Ako, sa bawat ragasa ng damdamin Nangingilid na mga luha, binabaha ang isip sa gabing hindi mapayapa Tayo, sa bawat pagkakataon Sa gitna ng meron ay walang katiyakan Sa buhol-buhol na mga tanong, mga sagot ay hindi makalaya Hanggang sa tuluyang sumuko at itanikala Oras, sa bawat kumpas ng iyong mga kamay Sadyang hindi nakaayon Sa takbo ng ating panahon Himig, sa bawat indak ay mananatili tayo, Magpapatuloy ang awit at tula Na humabi sa alaala ng kahapong mapangarapin Makata, sa bawat salita ay mabubuhay ka Nakaukit sa ningning ng mga tala Ang pag-asang muli ay masilayan ka.