Isa, dalawa, tatlo Nakabilang na ako ng tatlo Ngunit nakatago pa rin ang feelings ko sa'yo
Apat, lima, anim Kahit anim na ang nabilang ko Kailangan ko paring itago ito Upang ako ay hindi pagtatawanan mo
Pito, walo, siyam Pang siyam na ito Ngunit ako ay nagduduwag paring umamin sa'yo
Sampu Ito ay pang hulihan ko nang bilang Dahil nag-aaksaya lang naman ako ng oras Nag-aaksaya ng oras sa bagay na ito Sa bagay na hindi mo naman kayang pagbigyan Kasi dahil sa hulihan, kaibigan lang naman tayo; ay wala palang tayo.