Nakatingin na naman sa malayo habang tahimik na tinitingnan ang palubog na araw dito sa tagpuan natin ako'y nag-iisa na naman Mga alaala mo tahimik na sumasabay sa ihip ng hangin at sa unti unting pagbaba ng araw sa parang
Hanggang kailan ako aasa sa posibilidad na bukas ay muli kang makakasama Hanggang kailan ako maghihintay Kasi unti unti na kong nalulumbay matagal pa ba? ako'y naiinip na pakisundo na lang ako pag oras ko na
Araw araw walang mintis dumadalaw dito sa tagpuan masuyong hinahaplos pangalan mo'ng nakaukit sa bato mga naggagandahang bulaklak na gusto mo ay dala dala ko bukas ulit andito na naman ako
Sana nung nagpaalam ka pinigilan kita kung hindi lang ako tanga sana naagapan ko pa hindi ko alam yun pala ay huli na Huling pagkakataon na makita ka Huling pagkakataon na makasama ka
Matagal pa ba? ako'y naiinip na pakisundo na lang ako pag oras ko na