Ito yung mga panahong bago palang tayong magkakilala. Yung mga panahong kaibigan palang ang turing natin sa isa’t isa. Dito ko nakita ang ‘yong nagniningning na mga mata, at may nakita akong nakakabighani sayo na hindi nakikita ng iba.
Ito yung mga panahong nagkakakilala palang tayo. Mga panahong wala pa tayo sa puntong “Tayo”,
at ang pinakaimportante sa lahat,
Panimulang Pagbati.
Dito nagsimula ang lahat. Nagsimula sa simpleng chat, na nagsasabing: “Ikaw lang ang gusto ko sa lahat.”,
at mula noo’y nagbago ang lahat.
Ito na yung susunod...
Katawan.
Ito yung mga panahong masaya tayong nagmamahalan. Araw-araw tayong nagtetext at nagtatawanan, sa mga corny pero sweet nating banatan. Buong araw, buong gabi, na parang wala nang katapusan.
Ito yung mga panahong patay na patay tayo sa isa’t isa. Mga panahong lumabas ang pagka-clingy nating dalawa. Halo-halong mga emosyon ang ating nadarama, yung tipong gulong gulo ka na’t wala ka nang maisip kundi siya.
Sa panahong ito’y napakasaya nating dalawa, ngunit...
ngunit parte ng katawan ay ang konklusyon.
Ito yung mga panahong paunti-onti nang naglalaho ang “Tayo”. Mga masasayang emosyon ay nawala nalang sa dako, at ang mga masasayang araw ay paunti-onti naring naglalaho,
hanggang sa dumating na sa puntong...
Ito na ang huling pagbati.
Ngunit...
Ngunit may isa pang parte ng liham na dapat hindi natin balewalain...
Ang Lagda.
Sapagkat ito ay simbolo.
Simbolo na tapos na ang lahat, at tinalo na ng emosyon ang ating lakas, at isa rin itong uri ng pag-uulat, na parang liham, kung merong simula’y meron ring wakas.