Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

MAHAL

by angelabsss

Mahal Salamat, salamat sa mga araw na nakasama kita Salamat sa mga araw na naramdaman kong ako'y mahalaga Salamat sa mga araw na ako'y iyong napasaya Salamat dahil binigyan ako ng pagkakataon na makilala ka Mahal Alam kong hindi ako, yung taong makapag-wawasto sa'yo. Alam kong hindi sapat, ang mga bagay na nagawa ko Alam kong kailanman, hindi magkakaroon ng tayo Alam kong mali ako, masyado akong umasa sa mga salita mo Mahal Patawad kung umabot na sa puntong napagod na 'ko Patawad kung hindi ko na tinuloy ang paglaban at bumitaw na 'ko Patawad kung masyado akong naging mapaghangad sa pagmamahal mo. Patawad kung ika'y laging mali sa paningin ko. Mahal Sana lagi mong tatandaan, kung paano kita minahal. Sana lagi mong ingatan ang 'yong sarili, san man magpunta Sana sa mga panahong wala ako, ika'y maliwanagan na. Sana sa susunod na babaeng darating sa buhay mo, iyong pahalagahan na. Mahal Huwag kang mag-alala, kahit gaano pa man karami ang sakit na aking nadama Lagi ko parin ipagdarasal na sana ika'y maging masaya. Hindi ka pa man humihingi ng patawad, napatawad na kita Sa lahat ng aking pagsisikap na iyong binalewala. Mahal Wala akong ibang hihilingin sa maykapal kundi ang 'yong kaligtasan Wala akong ibang hahangarin kundi ika'y matauhan na Mahal na mahal kita, higit pa sa sobra. Mahal na mahal kita, pero siguro tama na.
Request permission to use this poem
Written by
angelabsss
29 / F / Quezon City
For You?
Written by
angelabsss
29 / F / Quezon City
Published
Apr 20, 2019
Time
3m
Tags
#mahal
Permission

Request to use this poem

Tell angelabsss how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogSupportFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 [production] by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write