kay tagal ko ng naglalakbay paikot ikot di wari kung saan ang tamang tungo dulot ng matinding ngalay ang aking mga nagbubutil na pawis patuloy na dumadaloy sa aking pisngi ngunit tila ang aking mga panunuyo ay iyong pinagsasawalang bahala
tuwing sasapit ang dapit hapon tumatanaw ako sa mga ulap at tala aking minimithi at pinakahihiling kay Bathala ay iyong makamit ang kaligayahan at kalayaan pagkat lubos kitang iniibig nais kong pakawalan at ipasantabi ang aking makasariling damdamin
sinta ko, kung hindi ka liligaya sa aking piling marahil ay hindi na ako ang inaasam ng iyong puso
walang humpay at tila walang katapusan ang sakit na mawalay ka sakin ngunit may mga bagay na wala tayong kontrol
mismong tadhana ang nagdikta ngunit hindi ko magawang makapagpaalam