Binabati ako ng umaga ng mga imaheng tila sayo lamang, Hinehene ako ng gabi ng himig **** matamis lang. Sa bawat oras sa bawat minuto ikay nasa isip ko Marinig mo kaya ang harana ko sa kabila ng gulo?
Ikaw ang salamin sa mata kong malabo Ikaw ang hanging sa buhay ko'y bumubuo Ngunit sa kabila ng lahat wala ka paring kibo Ano pa ba ang gagawin upang tayoy mabuo
Hawak ang mikropono akoy aawit Para lang ang damdamin ko sayoy sumabit Hawak ang gitara akoy kakanta Iiyak ako para sa akin ikay mapunta
Ang sining ng araw ay tila yelo kung ikumpara sa yakap mo Ang sanang pakiramdam na gusto kong matamo Ang init at lambing ng ating pagmamahalan Yun lang ang aking tanging kailangan
Ngunit ano itong pader sa pagitan natin? Anong sigaw pa kaya ang aking gagawin? Oh irog ko alam kong hindi ka manhid! Sumigaw ka lang! ang pagmamahal koy ihahatid!
Katahimikan, katahimikan, katahimikan lamang Segundo minuto oras, bilang, bilang bilang Katahimikan katahimikan katahimikan nanaman "Ako ba'y nagkamali at siyay nasaktan"
Tinawag ko ang kanyang ngalan "O irog O aking irog" Katahimikan katahimikan sa tenga koy bumugbog Sinigaw ko ang kanyang ngalan lalamunan ay nagdudugo O irog O irog ko! isang saglit may bumungo.
O mahal ko bakit ngayon lang kita narinig O mahal ko ako ngayon ay masaya at nanginginig O irog ko maghintay ka lamang, ang pader ay sirain Tatlo dalawa isa, tila nawala ang hangin
O irog ko kay tagal kong hinintay ang araw na ito O mahal ko akoy nagsise sa ating hindi pagtanto O irog ko ang matamis na yakap na hanap ko O mahal ko ako narin ay tanging sayo