Bilanggo, nagiipon ng problema Naubos sakin ang iyo sanang antukin na maghapon Sa lait ng tadhana mukha'y hindi na maipipinta Kung puwede lamang ito ay itatago nalang sa baon.
Laging talo, lagi nalang kasing kalaban ang isipan Ang mga bagay na gusto ay hindi parin nalalaman Sa buhay, napakahirap ang walang pangarap Sa buhay, mahirap ang walang makausap.
Pati siguro multo ay papatusin Pambawas lang ng iisipin, Para lang may makasama Di na takot, nasanay na ata sa kaba.
Sa unti-unting kong tanong sa puso at sarili, Na saan nga bang pasya ako nagkamali?
Mahirap ang walang pangarap. Mahirap ang walang kausap. Mahirap.