Huwag mong isipin na mas lumalayo ang pangarap mo sa kinaroroonan mo ngayon, bata ka pa at mataas ang tsanya na tadhana mo ay mas tatamis pa. Hindi lahat ng tao ay pinapalad, ngunit kahit ganyan ang kalakaran matuto ka sanang makipag~halubilo sa mga panganib at pagsubok. Ang nagsisikap ay ang mga magtatagumpay. Nasa paligid mo lang ang pagmamahal, ipikit mo lang ang iyong mata problema mo ay gugunaw, kasabay ng iyong kaba. Lahat ng tao ay gusto ka, matamis ang iyong ngiti, kahit na minsan mo lang ipamalas. Huwag kang bibitiw. Huwag nang isipin ang nakaraan.