Iligaw ang tukso ni Lusiper sa diwa na siyang naghari Magmuni-muni sa ibaba ng mundo Sampung beses pagtimbangin ang mga gawi
Lampas sa katotohanan ang layon Anyo ng mundo ay di magkatugma sa panaginip Ikumpay sa apoy hanggang sa lumaki Tiwala sa sarili, magtiwalag man sana'y di lumayo
Sa labas ng sanlibutan ay nagmasid May mga dagim na nagtabon sa buwan Nang nasilayan ang diklap sa alangaang na sumambulat sa noo ay sumingaw ang depresyon
Mapagkunwaring uwak na dumausdos sa ere Simpleng kilos niya'y nakakaaliw Humapon sa troso para magpahinga Sa kanyang aparisyon makikita ang unos na dinadala ang dahilan ng pagdarapa
Naglaon na kuwento ay nagparinig ng alingawngaw noong unang pag-usbong ay umani ng kahihiyan Naging balat-sibuyas na tubo humihikbi nang patago