Iniisip mo naman sila. Iniisip ka ba nila? Hahayaan mo na naman bang tangayin ka ng mga alaala o lulunurin ang sarili kahit alam **** wala namang pag-asa.
Ayan ka na naman! Namamasa na naman ang iyong mga mata. Hahayaan mo na naman bang tumulo sila? Akala ko ba kaya **** mag-isa?
Huwag kang mainip! Titila rin ang mga luha. Hayaan **** sila ang gumawa ng paraan. Hindi iyong ikaw ang laging nagpapatahan.
Titila rin ang mga luha. Sana pigilan mo ang puso **** nagdurusa. Maging matatag ka kahit mag-isa ka lang at sikaping sarili mo palagi ang dapat na mauna.