Pinas na minamahal Lugar na aking sinilangan Bansang kayraming yaman Ngunit buhay ang kapalit Nang sumigaw upang marinig Pagkat nanlaban kaya dugo ang kapalit Laban nga ba sa droga o laban sa bayan? Ang tanging tanong na binabatid Ang tanong na di mawala sa isip. Ang yaman ng bayan naglalahong parang bula Sa bulsa ng pamahalaan makikita Bilihin na nagmamahal Sa bibig na lang ng presidente ang mura Sa atin pa ba ang bayan? O kabilang na sa mga estado ng tsina at amerika Mga kababayan na lumuluwas sa bayan Makamit lamang ang kaginhawaan Dugo, pawis at buhay ang naging kapalit Ang kabataan nga ba ang pag-asa ng bayan? Pagkat sila’y sa selda makikita imbis na sa paaralan Sambit nila’y kulang daw sa disiplina at pagsisikap Habang sila’y nagbubulag bulagan at nag-bibingi-bingibingian Ano na nga ba ang katotohanan? Saan na nga ba nakabase ang tama at mali? Susunod ba sa pamahalaan o sumigaw para sa ating kinabukasan?