Pinipigilan kong huwag maghanap ng iba kasi alam kong naghihintay ka. Pinipigilan kong huwag tumingin sa iba dahil alam kong nakatingin ka.
Pinipigilan kong huwag mahulog sa iba kasi alam kong gustong-gusto kita. Pinipigilan kong huwag sagutin sila dahil alam kong mula noon hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin kita.
Sana... huwag akong umasa na sa una at huli nating pagkikita makita ko sa iyong mga mata ang tunay **** nadarama sa akin, aking sinisinta.
Mahal na mahal kita at ang lungkot ng nag-iisa. Mahal na mahal kita ngunit hindi ko na kayang hintayin ka.
Mahal na mahal kita at sana mabigkas mo ang dalawang salita. Ang salitang "mahal kita" na kay tamis pakinggan sa aking tainga.