Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Nov 2018
Niccolo di bernardo di Machiavelli
Ang taong may pera ngunit di makabili
Ng mga bagay para sa kanyang sarili
Inuuna parati ang bisyong pambababae

Ngunit kelan ba ang araw na nagkaroon ka ng *****
Akoy nagtataka dahil Pogi ka naman di lang halata
Nakikita kitang laging sawi, Ang sagot mo “sa susunod nalang babawi”
Paulit ulit at parati, di ka nagsasawa laging may pili

Niccolo, Niccolo, ang buhay mo man ay magulo
May makapagbagbagbagbag damdaming kwento
Tagus sa balat at sagad buto
Hanep ang yong liriko, liriko

Niccolo, Niccolo, ang isipan **** magulo
Sa larangang paborito Kakaibang istilo mo, Niccolò


Babangon Ilang beses man madapa,
Ang pangarap mo ay makukuwa
Pagkat ang sipag moy di matutumbasan
Apak apakan  ka man ng sino man,
Walang kang pake alam, bastat deretso kalang
At sa iyong pananaw, prinsipyong di maagaw
Isip Di mababaw, pagkat ayaw mo ng hilaw
Dahil....

Niccolo, Niccolo, ang buhay mo man ay magulo
May makapagbagbagbagbag damdaming kwento
Tagus sa balat at sagad buto
Hanep ang yong liriko, liriko

Niccolo, Niccolo, ang isipan **** magulo
Sa larangang paborito Kakaibang istilo mo, Niccolò
Ito ay ako,
AUGUST
Written by
AUGUST  30/M/Sorsogon sorsogon
(30/M/Sorsogon sorsogon)   
3.3k
 
Please log in to view and add comments on poems