Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Oct 2018
Sa pagpikit ng aking mga mata
Larawan mo ang una kong nakikita
Hindi mapagkaila
Ngunit mahal pa talaga kita

Nais kong tumingin sa iba
Baka sakaling mawala
Ang pagmamahal na hanggang ngayo'y dala dala
Gusto pa kita ngunit wala na nga pala

Ayoko ng tignan ka
Ayoko ng marinig pa
Ang mata at boses **** walang kasing ganda
Dahil ako'y pagod na

Ngunit mahal bakit ganito ang aking nadarama
Bakit ako'y tila naakit mo pa
Hindi ko mapigilang isipin ka
Hindi mapigilang mata ko'y tignan ka

Mahal salamat nga pala
At ako'y minahal mo pa
Ito'y kailanma'y di mabubura
Sa aking buhay naging parte kana
Shynette
Written by
Shynette  17/F
(17/F)   
113
   Fawn
Please log in to view and add comments on poems