Ang binuo nating samahan Mga pasimple kong tawa sa banat **** linyahan Ang titig **** Hindi ko maipaliwanag Lahat iyan ay aking iingatan
Hindi na nagpapansinan Wala na rin ang matamis na titigan Huwag kang Mag alala, ikaw ay tumahan Ang mga iyan ay hindi ko pahihintulutan
Hindi ko hahayaang ang makinang **** mga Mata Ay mapalitan ng pagtinging naiilang Sa oras na marinig mo na ikaw ang nilalaman Mga titik na bumubuo ng iyong pangalan
Hindi kailanman mangyayari Na sa iyo ay aking masabi Ikaw ang nais makatabi Ikaw lang ang sambit ng mga labi
Hindi ko alam Kung kailan nagsimula Bakit ikaw na ang hanap ng mga mata? Nagpapanggap sa sarili, Hindi ikaw Hindi ikaw Paano mangyayaring sa kapit mo'y di bibitaw?
Tuksuhan dito, tuksuhan doon Tila ba sang-ayon sa atin ang panahon Isang araw sa aki'y may nagtanong "Paano Kung kayo sa dulo ?" paano nga kung umabot tayo doon?
Naisasala ng imahinasyon Pinapangarap subalit di lubos maisip Umabot tayo sa bangin ng limitasyon Mayakap ka, hanggang dito na lamang ba sa panaginip?