Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Oct 2018
sa araw-araw na di ka nakikita,
na di ka nakakausap,
di ka nakakasama.

sa araw-araw na naglalakad mag-isa,
iniisip-isip ka,
hinahanap hanap ka
ang iyong
presensiya.

sa araw-araw na dumaraan,
sa aking harapan.
panibagong mga araw na siyang,
aking pinipilit na silayan.
hinahanap yung araw
na muli akong sisikatan
ng iyong araw,
ng iyong liwanag,
na siyang magbibigay ng init
sa nanlalamig kong kalamnan.

sa araw-araw na ginugulo ako
ng aking isipan, kung ano
na nga ba ang lagay mo;

ayos ka lang ba?

sana naman oo.

kumain ka na ba?

sabihin mo na oo.

masaya ka ba?

oo? o baka hindi rin siguro.

pero tandaan mo,
nandito lang ako.
nandito lang ako sa mga panahon,
na sa tingin mo wala nang tutulong sayo.

nandito ako sa mga oras na kailangan mo,
ng isang tao na handang makinig sayo.

nandito ako, handa nang makinig sayo,
sa lahat ng iyong mga kwento,
sa lahat ng iyong mga pagod at problema.

sige, sabihin mo sakin at makikinig ako.

dahil nandito na ako,
handa nang makinig sayo,

nandito na ako,
patuloy na maghihintay sayo;

at nandito na ako,
patuloy na magmamahal sayo.
fallacies
Written by
fallacies  22/M
(22/M)   
1.4k
 
Please log in to view and add comments on poems