Heto na naman ako... nalulungkot, nanamlay kasi malapit na ang iyong paglisan. Paglisan na alam kong ikaw ay babalik din naman sa mga araw na kailangan kong magbilang hanggang sa itinakda **** oras at tagpuan.
Hindi pa man tayo nagkikita pero ramdam ng puso ko kung gaano mo ako pinasaya sa maikling panahong nagpalitan tayo ng mensahe sa cellphone lahat nang iyon sa aking isipan ay magiging isang alaala.
Alaalang tatatak, alaalang hindi kakalimutan, nakakatawa man o masakit ang mga salitang iyong binitiwan, may kaunting kirot man o tampuhan, lahat ay babalewalain ko na lang pagkat ako'y sabik araw na dumaan.
Salamat sa ilang buwan, kapatid. Salamat sa mga araw na ikaw at ako ay nagkukuwentuhan. Salamat sa mga gabing minsan lamang kung dumaan. At maraming salamat sa mga ngiting nagbigay sa akin ng saya sa napakalungkot kong buhay sa kasalukuyan.