Muli na naman akong nagsakripisyo para sa mga taong minahal at mahal ko. Muli na naman akong nagpakabobo para lang matugunan ang mga pangangailangan nilang hindi ko alam kong ito ay totoo.
Muli ko na naman naramdaman ang sakit kahit alam kong pansamantala lang itong didikit. Muli na naman akong masasaktan kahit alam kong ito ay paulit-ulit na lang na dumaraan.
Sana lang huwag bumitaw ang puso ko sa pait ng katotohanang ako lang naman ang nagmamahal. Sana lang panindigan ng puso ko ang maniwala sa katotohanang totoo ang kanilang ipinaparamdam.
Dahil...
Kung ang kirot at sakit na aking nararamdaman ang siyang tunay na dahilan kung bakit patuloy sa pagdaloy ang dugo sa aking puso at buong katawan, Itutuloy ko na lamang kahit na habambuhay ko pang ito ay pagsisihan. Pagkat ang mahalaga sa akin ay hindi kayamanan kundi ang tunay na kahulugan ng pagmamahal dito sa aking kaibuturan.