Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Modernong Vincentiano

by august28

Sino ba ang modernong vincentiano? Ano ba ang kanyang pagkatao? Nagtatanong sa sarili ko Habang pinagmamasdan ang mahinanang kamay Kung anong magawa ko Dito ba sa munting palad nakahimlay Ang lahat ng kakayahan ko? Anong meron ako, anong meron tayo? kundi kaalaman. Kaalaman na di galing sa sabi sabi nilang “hugot” Kundi sa piraso ng mga aral na ating pinulot Dahil sa disiplina tayo y nililok Ang kabutihang asal sa diwa ay pumasok Mula sa Mga guro nating tinuturing na magulang, Mga mababang tao na ating ginagalang, Mga taong nakilala mula ng tayo’y musmos pa lang Ipinamana sa atin ang pananampalataya, pagpapakumbaba, at kabutihan Ang tanggapin ang katotohanan, At hangganan ng kakayahan Ang malaman ang kahinaan, kahit may kasimplehan Pilit inaabot ang makatulong ng buong kalooban Ng walang hinihintay na kapalit Tulad ng modelo nating si San Bisente (st. Vincent) Na sa pagtulong ay di napagod Kaya sa mata ng Diyos naging kalugod lugod Salamat sa  Amang nasa itaas Na nagbibigay ng lakas Ang lakas na di nauubos Para sa aming misyon na di pa rito natatapos Sandata ay ang panalangin Lakas ng loob at damdamin Dahil sa Diyos na mahabagin Walang pagsubok sa buhay ang hindi kakayanin Ating misyon, ang tumulong sa mga kapus palad at nawawalan Hindi lang sa taong nawawalan ng materyal na kayamanan Kundi para sa mga taong naliligaw, nalilito at nagugulumihan Pagkat ating ramdam ang bawat hirap Ang bigat na tinitiis ng bawat taong may pinapasan Handang makiramay at ibigay ang anuman Para lamang ang paghihirap sa pighati ay maibsan Pagkat sa bawat taong ating natutulongan gantimpalang pangkaluluwa ang dapat ipagyaman Sino ang gumagawa nito? Sino ba ang modernong vincentiano? Isa ba ako sa mga ito? Ang modernong vincentiano ay di lang ako kundi tayo Ang modernong vincentaino ay nagsasakripisyo at mapagpakumbabang nagseserbisyo Ang modernong vincentiano ang magpapatuloy ng ating kwento.
Request permission to use this poem
Written by
august28
30 / M / Sorsogon sorsogon
For You?
Written by
august28
30 / M / Sorsogon sorsogon
Published
Sep 28, 2018
Time
3m
Notes

Ang tula kong ipinanalo ng first runner up sa isang slam poetry competition ng event na may temang "Ang Modernong Vincentiano" noong September 26, 2018.

Tags
#modernong#vincentiano#tagalog#vincentian#vincent#de#paul
Permission

Request to use this poem

Tell august28 how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write