Balang araw, Biglang babagal ang paglakad ng oras Bahagyang hihinto ang ilog sa kanyang pag lagaslas Aawit ang mga langay-langayan At luluha ang kalangitan
Luhang hatid ng matinding galak Sa wakas ay wala ng iiyak Dahil natapos na ang panaginip Salamat at hindi ka nainip
Maraming istorya ang nais kong sabihin Inipon kong lahat para sa'yong pagdating Kulang ang magdamag kung aking isasalaysay Kung paano kita hinintay
Sa sandaling tayo'y magtagpo Doon lamang magiging perpekto ang mundo Dahil sa kabila ng mga gasgas nating puso Ay may paraisong tayo lang ang makakabuo
Sana nga bukas kapiling ko na ikaw Sana nga bukas na ang ating ''Balang araw''.