Pinakikinggan lang kita kapag nagkikwento ka Ayaw kong iniistorbo ka kasi nakikita kong masaya ka Pero sa bawat bigkas mo ng mga binuong mga letra, sa'kin iba ang tama Lalo na't iba ang dating ng bawat salita.
Masaya ka at nakangiti, Ang sarap **** ipinta. Yung mga ngiti na dati'y sa'kin nagmumula, Sa iba mo na ngayon nakukuha.
Yung lambingan natin... sa iba mo na nanagawa. Yung init na kailangan mo pag maulan... naibibigay na ng iba. Gusto ko sanang malimos ng pansin, Buti nalang napakwento ka...
Buti nalang may silbi pa akong natira.
Di mo lang kasi ata pansin Pero nasasaktan rin ako
Nagseselos rin ako... Nagseselos ako.
Buti pa siya napupuri mo Buti pa siya pinapansin mo Buti pa siya naipagmamayabang mo Buti pa siya.
Pero ayos lang Sino ba naman ako? Ako lang naman to, Yung sinasabi **** mahal mo at ako na nagmamahal sayo...
Kaso ako rin ata yung unti-unting kinakalimutan mo.
Wala naman akong magagawa kung sabihin **** ayaw mo na. Kung itutulak mo ko palayo Kung pipilitin mo kong lumayo.