Hindi niyo ba nakikita Ang kanilang panlilinlang sa taong bayan Sa pagpapakita ng malayang lansangan Ngunit ang totoo'y sila ang kapahamakan
Apat na dekada nang nakalipas Bata, matanda, sanggol, walang takas Walang takas sa pagmanalupit ng mga pulis at sundalo Ang nakaraan, hindi ba tayo natuto?
Mga pulis ay nagkalat Mga sundalo'y laganap at dumadami Kahit saan lumingon, sila ang matatanaw Nagmamasid, nag-iikot, baril ay nasa tabi
Putok ng baril biglaang maririnig Kasunod ay balitang may nabaril Iisa ang rason: nanlaban Ang tanong, nanlaban ba o kunwariang nanlaban?
Kanilang pagkatok Biglaang pasok Naghalungkat na walang pahintulot Tama pa ba ito?
Mga tao'y hinahayaan lang Ang mga naglalakad na kapahamakan Dahil sa takot na sila'y tauhan ng presidente Isang kamay sa bibig, kabila'y sa mata
Unti-unti nang nagpaparamdam Ang pagbalik muli ng setyembre bente-tres Tao'y nabulag, hanggang ngayon ganon parin Kailan kaya magigising ang tao, kapag huli na ba ang lahat?