Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy poemsNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy poemsNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

DATI

Naalala mo pa ba ung mga araw na una tayong nagkita? Mga oras na ako ay galak at tuwang tuwa, Pagkat ika'y nakilala't natagpuan sa oras na aking inaasahan Mga panahong tayo pa ay nagkakahiyaan Andyan yung unang punas sa mukha mong pawisan Unang usap, unang ngiti at biglang nagkatitigan Unang pagbabago ng aking nararamdaman Unang paghatid at sambit ng "ingat ka dyan" Lumipas ang mga araw ugali mo'y aking nakita Lakwatsa doon, inom dito yaan ang aking nahinuha Ngunit ikaw ay aking naintindihan, Ang aking nasa isip ay malamang dulot ng  nakaraang hindi malimutan Kaya naman gumawa ako ng paraan upang ika'y mapasaya Sa kalagitnaan ng gabi ako'y nag atubiling ika'y puntahan Kabog ng dibdib, lakas ng hangin at ulan ay di inalintana Makita ko lang ung mga ngiti mong mahiwaga Salamat sa mga oras na dumaan at ika'y nakilala Batid kong madaming nagmamahal sayo, Kaya naman aking pagtingin ay lumayo At aking naintindihan na mas mabuti maging magkaibigan na lang tayo Gusto ko lang lagi mong tatandaan, Na wala man ako sa tabi mo lagi naman akong nasa likod mo, Handang tumulong sa abot ng aking makakaya Lalo na sa pamilya, kaibigan, eskwelehan ay may problema Sana ngayon nasa mabuti kang lagay, Inday Sana'y mga pangarap mo'y iyong makamtan Sana'y wag ka na ulit lumuha sa daan Sana'y pintuan ng iyong puso ay muling mabuksan Sana'y mahanap na nya ang tamang Adan Sana'y mahalin mo pang lalo ang 'yong mga magulang Sana'y maging maayos na kayo at wala ng magkulang Sana sa iyong pagbabalik ay masaya ka sa bagong aral na iyong napulot Sana wag kang magbabago't wag makakalimot Di nako aasang liliit ulit ang espasyo Magbubukas ulit ang entablado At makaka tapak sa inyong teritoryo Kaya't ang aking tanging magagawa ko na lang ay isama ka sa mga dasal ko.
Request permission to use this poem
Written by
PauloA97
22 / M / Metro Manila
Published
May 26, 2018
Lines·Words
45·303
Permission

Request to use this poem

Tell PauloA97 how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write