Sabik na sabik sa bawat sandali na makita ka Puso kong galak na nagsusumayaw sa tuwa Mga mata kong nangungusap binabanggit na sana'y ikaw na nga Ang tanging iibigin at sa puso ay sana di na mawaglit pa
Ika'y nakatalikod ng biglang lumingon At ako ay nabighani na para bang wala ng kahapon Sabay sigaw ng aking pangalan Ako naman ay tumungo at ika'y nilapitan
Sa bawat pagdaan ng araw tayo'y nagkakausap Mga mata kong di maipaliwanag ang kislap Ako naman tong sobrang tuwa at laging nagsisikap Upang mapasaya ka at balang araw ay mayakap
Gitara't awitin para sa unang akyat ng ligaw Tsokolate at rosas para sa ikalawang dalaw Ililibre ka ng paborito **** mangga at isaw Lahat ng yan di ako mapapagod gawin
Umaasa sa matamis na oo na isasagot mo sakin Mangangakong hindi ka sasaktan at lolokohin Sa lahat ng kaibigan at magulang ay ipapakilala Irerespeto kita ng taos puso at walang pagdududa
Ngunit lahat ng yan ay tila nagbago Dumating ang isang umaga at ika'y biglang naglaho Hindi nag paalam kung saan patutungo Hanggang ngayon eto ang aking pusong nagdurugo
Ako ay di magsasawang mag hintay sa iyong pagbalik Umaasang sayong pisngi ako'y makakahalik At igugugol lahat ng oras at sandali Di na mag dadalawang isip at mag aatubili.
Naranasan mo na bang umibig tas bigla nalang syang naglaho't hindi nag paalam? Check this out. By yours truly