nang tayo'y sumilong at hinintay na tumigil ang ulan sumilang ang panibagong pagbugso ng nararamdaman mga pasimpleng sulyap na naging malalim na titigan pagdikit ng kamay na sa huli din ay naghawakan ang dating may inarte pa sa pagyayakapan ngayon ang tanging hiling nalang ay ika'y mahagkan nasanay na ang mga kamay sa kani-kanilang katawan kung saan-saang bahagi ang nahahawakan ano kaya ang dahilan? tikom ang bibig, ang baso'y natabig mga saloobin na lumalabas dati'y di naman dinig ang mga mata na tila dagat, nag-iba ang kislap ako nama'y mabilis na nalunod sa isang iglap palaisipan pa rin sa akin kung pareho ba ang ating emosyon ang tambalan nating bahagi lamang ng isang kuwentong piksyon
mother language. idk what to do, i just thought of one person and i said all these. di ko kasi sigurado kung aasa ba ako o magpapaasa.