Patawad. Sa mga salitang sinabi ko, mga salitang di sadyang lumabas sa bibig ko mga salitang hindi sigurado ng puso ko
sinabi kong magiging malakas ako, sinabi kong ayos na ko, pero hindi ako ganun kalakas di ako ganun ka ayos at nalaman ko, nalaman ko na, hindi pala naghihilom ang sugat ko
Pero kung merong ibang nagpapasaya sayo nagpupuno ng pagkukulang ko, Sino ako? Sino ako para humarang sa kasiyahan mo. Hindi ako hahadlang sayo. Alam kong kabaliwan ito, sana pagkatiwalaan mo kung ito ang dapat akoy maglalaho.
Kung tama na ang nararamdaman, gawin mo ang yong gusto Dahil hindi ko isisi sayo na ang pinili mo ay hindi ako
Mahal masakit pa Pero kung meron ng ibang nagpapasaya pinupunan nag pagkukulang ko ng iba Sino ako ? Sino ako para humadlang sayo diba ? Kung ito man ang aking nadarama, hindi mo na ito problema dahil kung meron ng ibang nagpapasaya Hindi ako papagitna.
Kung may pagkakataong may magtanong kung sino ka. sasagutin ko. Dating Kakilala.