Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Apr 2018
Naglalakad sa gitna ng daan
Disoras ng gabi,
Iniisip ko paano ba magiging tama ang mali
Sa paningin ng iba

Sa paraang mataas na marka at grado ba?
Sa pagiging disente ba sa pagsasalita?
Sa pagiging magalang at marespeto ba?
Sa pagiging mayaman ba?

Tangina saan sabihin niyo
Yung mismong magulang mo na sila pa mismo magbababa sayo
Yung mga kaibigan **** plastikada at plastikado
Yung mga taong walang ibang ginawa kundi husgahan yung pagkatao mo

Lahat sila ayaw sayo kasi ayaw nila sayo
Pag nakamaikling shorts tawag sayo pokpok
Umuwi ka ng gabi tawag sayo adik
Mangatwiran ka bastos, akala ko ba pag alam **** nasa tama ka ipaglaban mo?

Pero bakit ako yung mali?
Bakit ako?
Hanggang kailan ba ako mabubuhay sa mundong ibabaw
Na walang ibang ginawa at sinabi saking wala akong kwenta

Nay, tay isa lang hinihiling ko
Yung kausapin niyo ako ng matino
Bilang anak niyo
Masyado bang sobra para hilingin yon?

Masyado ba akong masama kasi ganto lang ako?
Masyado ba akong bobo kasi hindi ko kaya yung gusto nyo?
Masyado ba akong mahina para sa lahat ng 'to?
Sana pinatay nyo nalang ako

Sana kayo nalang kumontrol sa buhay ko
Halika palit tayo
Dito kayo dyaan ako sainyo
Tapos sabihin niyo sakin kung paano maging tama ang mali.
Reign
Written by
Reign  18/F
(18/F)   
766
 
Please log in to view and add comments on poems