Ganon ka ba talaga? Mahirap magpatawad? Na Sa tuwing ako'y lalapit ika'y sa iba napapadpad Ramdam mo ba? Ramdam mo ba ang sakit na pinaramdam mo? Malamang hindi, kasi kung oo matagal nang bumalik ang dating ikaw at ako
Gusto kong umiyak, gustong gusto Bakit ka ba biglang nagbago? Hindi na ikaw yung tao na nakilala ko Asan ka na ba? Bakit tila yata ang bilis mo maglaho?
Ganon ka ba talaga? Kasi kung oo tanggap kita Pero kailangan ba talaga na maging ganyan ka? Lagi kong panalangin na bumalik na tayo sa dati Yung masaya lang, yung di ka pa galit bago ang lahat na nangyari