Sinabi ko noon,di na ako magsusulat pa Ngunit iba pala ang nagagawa ng lungkot at pag-iisa Kaya heto ako ngayon,muling nagda-drama Ginigising ang plumang natulog sa mahabang panahon At bumubuong muli ng tula—na sayo lang nakatuon, Sinungaling ako— Tanda ko pa nang aking sabihin Di na kita gusto't nagbago na ang damdamin Pero ang Totoo,Hindi ko lang maaamin Ayokong aminin! Na hanggang ngayon? Walang iba't ikaw pa rin. Oo,Sinungaling ako— Kahit ipagsigawan pa sa buong mundo Sinu— Sinungaling ako? Ang tangi ko lang namang ginawa'y itago ang pag-ibig ko, Ilihim ang pag tingin sayo Dahil alam kong mali at wala pa sa panahon Pero,ang gusto ko lang naman ay ang iyong atensiyon Magkano ba ang isang sulyap? ang isang tingin? Ituro mo naman sakin kung san ko yan pwedeng bilhin, Kahit gaano yan kamahal susubukan kong bumili Gusto ko kasing masilayan muli ang iyong mga ngiti Hindi ko na kasi magawang mahuli pa ang iyong kiliti— Lagi tayong nag-aaway Magbabati ng saglit at sa isang kumpas lang ng kamay Hayun at tila may pader na bumaba at humarang Sa pagitan nating dalawa, Hindi ko namalayan na sa tabi ko, wala ka na pala! Masakit isipin na ang bilis **** bumitaw, Pero wala naman akong magagawa pagkat ikaw ang umayaw Hindi ko lubos maisip kung bakit ang lumilitaw Ako ang masama? Kahit na sa ating dalawa ikaw ang nagpabaya? Minahal kita ng higit sa kaibigan—alam mo yan! Pero kung wala talagang pag-asa Handa na akong palayain ka, Kahit wala naman talagang TAYO KAHIT HINDI KO ALAM ANG ATING ESTADO Palalayain kita. Palalayain kita para ako naman ang sumaya.