Nagsisimula nang humakbang ang aking mga paa, Ilang sandali na lamang ay masasaksihan ko na, Na mararamdaman ko na ang pakiramdam na tayong dalawa ay magiging isa, At habambuhay na itatatak sa puso na tayong dalawa ay magkasama.
Sa suot kong kulay puting kasuotan ako ay nakangiti, Habang dahan-dahang naglalakad patungo sa iyong tabi. Hindi ko mapigilang mga luha ay umagos mula sa aking pisngi, Ito na nga ang pinakakahihintay kong pinakamasayang sandali.
Parang kailan lang nang una kitang masilayan, Dito sa dalampasigan ay mag-isa kang nag-aabang habang ang mga mata ay nasa karagatan. Naka-upo sa buhanginan at pinagmamasdan ang kalangitan, Malalim ang iniisip at hindi ko maarok ang kailalaliman.
Nang ika'y lapitan, sa mga mata mo'y pansin ko ang kalungkutan, Ako ay natigilan pagka't hindi ko alam kong nararapat bang tuklasin ang iyong pagkakakilanlan, O hahayaan na lamang kitang pagmasdan o basta na lamang kitang iwanan. Ngunit nang ika'y magsalita, nangyari ang kabaligtaran at doon nagsimula ang ating mahahabang kuwentuhan.
Sinong mag-aakalang sa isang tulad ko ikaw ay pakakasal? Konserbatibo at mahiyain na ang tanging alam ay mula sa kabihasnan? Hindi katulad **** Inglesero, palabiro, at hindi mabilang ang kapintasan? Pero kinalaunan, lumabas din ang natatago **** kabaitan at kasipagan.
Ilang hakbang na lamang ang lapit ko sa iyo, Pero humahagulgol ka na, inuunahan mo na naman ako! Magkagayunpaman, mahal ko ang isang tulad mo, Dahil sa iyo, nabuo ang isang tulad **** ikaw at ako!