Sa mundong puno ng pagdududa Hirap kumilos, bigla kang tinamad Ayaw ng bumangon, naalala ko nanaman Yan ang mga sinabi mo
Sa mundong mapanghusga Mahirap magkunwari Nawawala rin ang mga ngiti Ayaw mo lang kasing subukan
Mas mabuti na lamang na lumayo Pagmamasdan na lang kita sa malayo Lahat maaabot mo, walang imposible sa’yo Pero hindi kita masisisi kung bakit ka ganyan Napuwing nanaman ako
Hindi na ako nagtataka Hindi ko rin naman alam Ganoon na lamang ang lahat Pagmasdan mo lang ang paligid Baka nandyan lang
Nababalot ka ng alinlangan Magulo ang isipan Hindi ka pangkaraniwan Naiiba ka sa kanila Iyan ang naalala
Hindi na ako magtataka Kung ayaw may dahilan Wala ka naring pakialam Hindi na ako nagtataka
Wala kang kasalanan Maging masaya ka lang Hindi na ako magtataka