Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mar 2018
Summer na naman!
Sa baybaying madalas nating puntahan,
ay naroroon ang mga bahagi ng ating nakaraan,
at mga karanasang hinding-hindi ko makakalimutan.

Ilang taon na ba
nang muli tayong magkita?
Ilang pangangamusta na ba
ang nagdaan nang tayo ay nagkamustahan?

Naalala mo pa ba
nang sa baybayin ay minsan kang nagpunta?
Nawala ka!
At ako ay talagang iyong pinag-alala.

Hinanap kita sa kung saan,
ngunit anino mo ay ayaw magpakita.
Sa pagod ko ay sa baybayin ako dinala ng aking mga paa.
At natagpuan kitang hinahabol-habol ang alon na masayang-masaya.

Napapangiti na lamang ako kapag ika'y naalala.
Kaya heto ako ngayon, sa baybayin ay hinihintay ka,
Upang muling buuin ang panibagong alaala,
Hanggang sa dumating ang takdang panahon na ikaw at ako ay magiging isa na.
Written by
Eugene  Manila, Philippines
(Manila, Philippines)   
1.1k
 
Please log in to view and add comments on poems