Walong letrang nagsisimula Sa isang pahina ng libro Kung saan lahat ng nagawa ay nakasulat
Walong letrang sumisimbolo Sa masasakit at masasayang alaalang Iyong ibinigay, Binitawan na parang isang kinusot na papel Sa malawak na dagat na itim
Pilit na sumusuko Pilit na umiiwas Ngunit wala nang nagawa Kundi hayaan na lang
Pasensya? Pang-ilang beses na bang nabanggit Pang-ilang beses na bang sinambit Katagang ayaw marinig Ng dalawang pandinig, Na pilit inaalala, ang mga katagang Nalalayo sa salitang pasensya
Hindi ka ba nagsasawa? Ilang beses na bang kailangang marinig Pasensyang hindi totoo Pasensyang hindi galing sa puso Pasensyang pinilit lang
Pwede bang ako naman? Pwede bang ako naman ang hindi makinig? Pwede bang ako naman ang humingi ng pasensya At hingiin na sana'y tapusin na