Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Simulan

by @seraia

Simulan nating magbilang Simula isa hanggang walo Simulan nating bilangin ang bawat patak ng ulan Kung saan tayo masayang nagtatawanan At hindi pa nababahiran ng kahit anong Sakit at pagdududa Simulan nating bilangin ang mga bituin sa itaas Kumikinang, nagbibigay liwanag Sa mga mata mong nanlalabo na At alam nang hindi na kayang ituloy pa Simulan nating bilangin ang bawat pahina Ng isang kwadernong punong puno Ng masasayang alaala, Ngunit isa na lang masakit na nakaraan Simulan nating bilangin kung ilang beses tayong Naging tayo, simula nang magtapat kang Ako'y iyong gusto Simulan nating... kailangan pa ba nating simulan? Masisimulan ba ang mga bagay na alam mong, magtatapos naman? Masisimulan ba ang mga bagay, kahit hindi ka sigurado, Ay alam mong hindi naman tatagal? Simulan nating itanong, Bakit ako? Bakit hindi na lang iba ang sinaktan mo? Bakit hindi na lang yung isang babaeng umiinom ng kape sa gilid O kaya'y nagbabasa ng libro sa kabila. Bakit ako? "Mahal kita." Hindi naman talaga sa pagbibilang nagsimula ang lahat Hindi naman sa numero, o sa ulan, o sa bituin Dalawang salita... Dalawang salita lang at nagsimula na ang lahat Dalawang salita kung saan ang ako at ikaw ay naging tayo Dalawang salita kung saan natapos din ang lahat Simulan ulit natin, Simulan natin, sa kung ilang kataga ang sinabi mo Nang ika'y umalis Simulan natin sa dalawang salitang sinabi mo sa kanya Habang ako'y hindi nagbibigay ng atensyon Simulan natin, sa kung paano natapos Ang nabuong ikaw at ako. Simulan natin, hanggang dito na lang.
Request permission to use this poem
Written by
seraia
For You?
Written by
seraia
Published
Feb 17, 2018
Time
3m
Notes

Rotate the number eight, 90 degrees. What would you see?

Tags
#simula#tapos#tula#tagalog#mahal#kita
Permission

Request to use this poem

Tell seraia how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogSupportFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 [production] by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write