Sinabi **** mahal mo ako Ngunit hindi tayo maaari Hindi tayo mangyayari Okay lang, tanggap naman ng aking sarili Aking damdami'y naglalaro sa saya at lungkot Saya ng dahil narinig ko na din na ako'y iyong mahal Lungkot naman dahil kailan man hindi magiging tayo Sinabi **** 'mahal kita' Alam kong iyon ay totoo Naniniwala ako sa iyo Ngunit mahal mo nga ba talaga ako? Kasi kung oo, sana tayo na ngayon