Kinain ng kadiliman ang buong daigdig Saksi ang mga kabundukan at karagatan Sa kung paanong natakpan ang araw na siya noong naghahari sa langit Nagkalat sa buong lupain ang pait Ang sakit Dahil ang gabi dulot lang lagi ay kasawian Ang gabi'y hindi isang kaibigan Ang gabi'y hindi titigil hanggang ang kaisa isang tala na hawak mo ay kumupas na nang tuluyan Nilamon ng kadiliman ang buo kong pagkatao At oo Sirang sira na ang taong sumulat ng binabasa mo Sumasabog ang ulo na tila pagputok ng bulkan Pumapatak ang luha na tila pagbuhos ng ulan Ngunit lahat ng ito ay nakatago Gaya ng kayamanan na nakadeposito sa bangko Na kayang kaya ilabas ngunit mas piniling ipunin ng husto Ipunin ang mga delubyo Delubyo na animo'y itinanim sa dibdib ng isang demonyo Nilamon ng kadiliman ang buo kong pagkatao At walang sinuman ang makakasaksi nito Dahil ang dilim ay inipon ko At ang buhay ay kikitilin Ang hininga ay lalagutin Ang sarili ay papatayin At lalong walang makakasaksi na sinuman Dahil walang pakialam sa aking gabi ang sambayanan Lahat ay nahihimbing sa kanilang kinaroroonan At sa wakas Nandito na ang wakas