Minsan ako'y napapaisip, Kung bakit pa ako pumapasok sa eskwelahan, Pumapasok ba ako para mag-aral? Eh pakiramdam ko wala naman akong natututunan, Kabisado ko lahat, ngunit ni isa, wala akong naiintindihan. Bakit pa ako nag-aaral? Para ba sa ito aking kapakanan? Para ba talaga ito sa aking kapakanan, kahit wala naman talaga akong natututunan? Para ba talaga ito sa aking kapakanan, kahit ito ang dahilan ng aking kalungkutan? Para ba talaga ito sa aking kapakanan, kahit nalilimutan ko na magkaroon ng mga kaibigan? Para ba talaga ito sa aking kapakanan, kahit nasasakripisyo na ang aking kalusugan? Para ba talaga ito sa aking kapakanan, kahit kayo at hindi ako nasisiyahan? Kayo lang ang natutuwa sa mga matataas kong marka, Ang mga grado at papuring aking natatamasa, hindi sapat para gawin akong masaya Nasasakal na ako, gusto kong makahinga Nakaka-pagod mag-aral lalo na't hindi ko naman gusto ang aking ginagawa Sinasagad ko ang aking sarili, para kayo't maging Puyat na puyat, Pagod na pagod, Bagsak na ang katawan At ginagawa lang nilang katatawanan ang aking kapaguran Hindi nila pinahahalagahan ang aking nararamdaman, Tao rin ako napapagod, nasasaktan. Sana maisip niyo rin na gusto kong mag-aral, mag-aral ng hindi napipilitan Gusto kong mag-aral ng may natututunan Ayokong maging basehan ang aking mga marka ng aking pagkatuto Gusto kong pumasa hindi lang dahil basta't kabisado ko at may naipasa Gusto kong pumasa dahil ako'y may natutunang mga aral na aking dadalhin hanggang sa aking kamatayan. Bakit pa ako nag-aaral? Dahil naniniwala akong may makikita akong pagbabago, may makakatagpong **** na babago ng aking pananaw tungkol sa totoong kahulugan ng edukasyon at pagkatuto.