May nag-aalab na damdamin sa loob ng aking dibdib. Isang galit na hindi humuhupa parang sugat na lumalala. May tanong na hanggang ngayon ay hindi mahanapan ng sagot. Napapagod ang diwa ko pero walang makitang kapahingahan. Nauuhaw ako subalit tila hindi sasapat ang tubig. (mabuti na lang at may serbesa at alak na masasandalan) May sapot sa isipan ko kaya hindi makita ang hantungan. Wala akong magawa kundi harapin kung ano ang meron ako, Hindi naging mabait ang kapalaran at naging maramot ang buhay. Ang kaligayahan ay parang mailap na ibon , mahirap mahuli at hindi madaling mahawakan. Lungko’t at pagdurusa ang matalik ko’ng kaibigan. May mga magdamag na ayaw ko nang magwakas, Mga pagkahimbing na ayaw ko nang magising, Mga umagang ayaw ko nang tanawin. Ito ang palad kong hatid na kailangan ko’ng harapin. Haharapin kahit may hinanakit at panghihinayang, Haharapin dahil kailangang gawin, Tulad ng ginawa ni Sisyphu ang lahat ng lungkot at hirap ay aking haharapin.