Tulad sa Malayang Taludturan walang patakaran ang tunay na pagsinta, walang sukat at madalas wala rin itong tugma.
Walang protocol sa pag-ibig, walang arrival at departure ceremony, hindi rin kailangan na maglatag ng Red Carpet o kaya ay patunogin ang mga trumpeta.
Kumbaga sa Mortal Combat no-holds-bar ang tunay na pag-ibig; walang-awatan, walang time out, lahat pweding gamitin. Titigil lang ang labanan kapag sumuko na ang isa.
Walang rules sa tunay na pag-ibig kasi hindi tulad ng basketball na may foul at substitution. Ang totoong nagmamahal tinatanggap ang mabuti't masama sa kanyang minamahal.