Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Nov 2017
Patawad Inay sa walang pakundangang pagsuway sa iyong mga pinaguutos,
Sa walang kagatol-gatol na pagsumbat sa bawat pangaral,
Sa walang lamas na pagwaldas sa mga pinaghirapan niyong salapi,
At sa patuloy na pakikipagkaibigan sa mga kaaway.

Ako,
kami,
ay hindi na nakikinig,
hindi na natututo mula sa mga nangyari noong pahanon mo,
mula sa mga karanasang hindi mo malilimutan.

Kayaยดt Inay sa susunod na mga taon ay sisikapin ko, sa tulong ng aking mga kapatid, ng aking mga kaibigan na patuloy na nagtitiwala sa akin, ay babaguhin ko ang aming bansa. Kami ay magiging radikal upang ang pagbabagong ito ay hindi masayang at maging isang panaginip lamang.
Ysabel
Written by
Ysabel  25/F/Philippines
(25/F/Philippines)   
874
 
Please log in to view and add comments on poems