Naalala mo pa ba ang mga sandaling tayo ay magkasama? Sa isang pampasaherong bus ay nakasakay tayong dalawa. Magkatabing nakaupo sa pang-dalawahang upuang malapit sa bintana, At magkahawak ang mga kamay na nakangiti sa isa't isa.
II. Mahigpit ang pagkakapulot ng ating mga kamay nang mga oras iyon, Kulang na lang ay posasan tayo upang hindi paghiwalayin. Ako naman ay ngiting-ngiti at sulyap nang sulyap sa iyo habang nakatanaw ka sa labas, Hindi alintana ang mga matang nagmamasid sa napakalambing **** mga bakas.
III. Hindi ko maipaliwanag ang damdamin ko sa bawat alaalang ikaw at ako ay naging tayo. Nang minsang dalawang oras tayong naghintay sa EDSA dulot ng trapiko, Malinaw na malinaw pa sa puso at isipan ko ang mga katagang isiniwalat mo; "Okay lang na ma-traffic tayo. Ang mahalaga magkasama tayo."
IV. Ipinagpatuloy mo ang mga tinuran **** nagpataba sa aking puso; "Ang mahigpit **** hawak sa mga kamay ko ang gamot sa bawat inis na nadarama ko sa tuwing mabagal ang daloy ng trapiko." Nginitian mo ako at masuyong hinalikan sa ang aking pisngi na ikinagulat ko; at sabay bulong sa tainga ng mga salitang "Mahal Kita kahit hindi na umusad ang sinasakyan nating ito."
V. Ngunit ngayon ay wala ka na at iniwan mo na ako. Kinuha ka na sa akin ng Panginoon at hindi na magkasama tayo. Pero hindi ko pinagsisihan ang mga alaalang tayo ang bumuo, Mananatili ka magpakailanman, mahal.. dito sa aking puso.