Alam mo mahal na yata kita Hindi ko lang masabi ng direkta Tumibok ang puso ko ng una kitang makita Kung saan may sakit pa akong nadarama.
Minsan kailangan din nating bigyang pansin Ang mga bagay bagay na dapat naisin Ang puwang sa puso dapat punuin Ng makamtan ang saya kay sarap damhin.
Sana alam mo ang laman ng aking puso Puro pangalan mo ang sigaw nito Ngunit hindi ko kayang sabihin sa iyo Sapagkat ang mundo ko'y umiikot nahihilo
Sana ang tulang ito magsilbing gabay Ng ang damdamin ko sa iyo maialay Bukas sa paggising makita ko na ang tulay Sa pagitan ng habing ito ikaw ang patunay.